Pahalagahan ang Kulturang Pilipino

Angelieaytona
5 min readFeb 10, 2021

--

Kahit saang sulok ng mundo, kilala ang Pilipinas hindi lang sa natatanging tanawin kundi maging sa magagandang kaugalian ng mga Pilipino.
Sa katunayan nga, itinuturing ng mga banyaga na “Most Hospitable” locals ang mga Pilipino dahil sa magagandang asal nila.

BAYANIHAN

Isa sa magandang mga kaugalian ng Pilipino na talagang ipinagmamalaki ng mga Pinoy ay ang bayanihan. Ito ay ang sama-samang pagtutulungan ng taumbayan sa mga nangangailangan. Isang simpleng halimbawa na lang ay ang paglilipat-bahay kung saan nagtutulungan ang mga kapitbahay na magbuhat ng mga gamit. Hanggang ngayon ay buhay na buhay pa rin iton tradisyon ng mga Pilipino.

PAGTAWAG NG ATE O KUYA SA NAKATATANDANG KAPATID

Kung sa ibang bansa ay sa pangalan lang tinatawag ng mga bata ang mga nakatatanda nilang kapatid, dito sa Pilipinas, ang tawag sa kapatid na matandang babae ay “ate” habang “kuya” naman ang tawag sa kapatid na matandang lalaki. Simbolo ito ng respeto sa mga nakatatandang kapatid. ISa ito sa mga ipinagmamalaking tradisyon ng mga Pilipino.

PANG-HAHARANA

Isa pang tradisyong nakaukit sa kulturang Pilipino ay ang panghaharana. Karaniwan itong ginagawa ng lalaki para sa kaniyang nililigawan pero ngayon, ginagawa na rin ito sa panunuyo at pakikipagbalikan sa mga magkasintahang nagkalabuan. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagkanta ng lalaki sa babaeng kaniyang sinusuyo. Puwede itong gawin nang may tugtog o acapella. Kaya kung naghahanap ka kung ano ang kaugalian ng mga Pilipino para sa mga romantiko, harana ang sagot d’yan.

HOSPITABLE

Gustung-gusto ng mga banyagang bumibisita sa Pilipinas ang magandang asal ng mga Pilipino gaya ng malugod na pagtanggap sa bisita. Sa katunayan nga, kilalang isa sa pinaka hospitable locals ang mga Pilipino. Dahil dito, talagang binabalik-balikan nila ang Pilipinas. Ang malugod na pagtanggap sa bisita ay isa sa mga kaugalian ng Pilipino na ipinagmamalaki.

PAGMAMANO

Isa pa sa mga kaugalian ng mga Pilipino na hanggang ayon ay hindi pa rin nawawala ay ang pagmamano. Tinutukoy nito ang pagkuha sa kamay ng nakatatanda at ilalapat ito sa noo ng nagmamano, sabay sasabihing “mano po.” Madalas itong isinasagawa bilang pagbati sa pagdating o bago umalis. Bata pa lang ay tinuturuan na ng matatanda ang kaugalian na ito.

PAMAMANHIKAN

Isinasagawa ag pamamanhikan kapag ang isang babae at lalaki ay nagkasundong magpakasal. Pormal na hinihingi ng lalaki ang kamay ng kaniyang nobya sa harap ng kanilang mga magulang at iba pang malalapit na kaanak o kaibigan. Pagkatapos nito ay may salo-salo at sa hapag pinag-uusapan ang detalye ng kasal. Bagamat moderno na ang panahon ngayon, isa ito sa nananatili pa ring mga kaugalian ng mga Pilipino.

PAGDARASAL BAGO KUMAIN

Bago kumain, nakagawian na ng mga Pilipino ang pagdarasal. Dito ay nagpapasalamat sila sa mga pagkaing nakahain, ang pagsasama-sama nila, at iba pang mga biyayang natanggap nila. Likas kasing relihiyoso ang mga Pilipino kaya isa ito sa magagandang halimbawa ng kultura sa bansa.

MADASALIN

Ang pagiging madasalin ay isa sa mga kaugalian ng mga Pilipino na kanilang ipinagmamalaki. Hindi lang ito kaugalian ng mga taga Luzon kundi ito rin ay kaugalian ng mga taga Mindanao. Iba-iba ang relihiyon sa Pilipinas pero kahit ganito ay sadyang madasalin talaga ang mga Pilipino.

FIXED MARRIAGE

Kung akala niyo ay sa ibang bansa lang uso ang fixed marriage o ang pagpapakasal dahil sa isang kasunduan, isa rin ito sa mga nakagawian ng Pilipino. Noong unang panahon pa lang ay kaugalian ng mga taga Mindanao na ito at ng ibang mga tribu sa bansa pero hanggang ngayon ay isinasagawa pa rin ito.

KULTURANG PILIPINO

Bilang isang Pilipino na naninirahan sa bansang Pilipinas. Pahalagahan natin ang ating Tradisyon o Kultura upang hindi ito mawala sa atin. Tulad ng Bayanihan, sa pagbabayanihan nagtutulungan tayo upang mas mapadali ang ating ginagawa at hindi humihingi ng anumang kapalit. Hanggang ngayon, napapanatili pa din natin ang kulturang bayanihan. Pagtawag ng Ate at Kuya sa nakatatandang kapatid, mayroong iba sa atin na hindi tinatawag sa Ate o Kuya ang mas nakakatandang kapatid pero mas marami pa din sa atin ang napapanatili pa din ang kulturang ito. Panghaharana, noong sinauna pa lamang napapanatili pa ang kulturang panghaharana pero ngayon na modern na. Hindi na natin napapanatili ang kulturang panghaharana. Hospitable, likas na sa ating mga Pilipino ang pagiging Hospitable at magiliw sa tuwingh may mga panauhin o dayuhan na pumupunta dito sa ating bansa. Hanggang ngayon ay nanatili pa din sa atin ang kulturang ito. Pagmamano, ito ang kultura na hindi na mawawala sa ating mga Pilipino kapag tayo ay umuuwi sa probinsya agad tayong sinasalubong ng ating mga kamag-anak at agad naman tayong magmamano sa nakakatanda sa atin. Pamamanhikan, nakaugalian na ng mga Pilipino na bago ikasal ay namamanhikan muna ang magiging asawang lalaki. Hanggang ngayon ay napapanatili pa din ang kulturang ito. Pagdarasal bago kumain, nakaugalian na nating mga Pilipino na bago kumain ng sabay-sabay ay nagdarasal. Mayroong ibang napapanatili pa itong kultura na ito pero may ibang hindi na napapanatili. Madasalin, likas na sa atin ang pagiging madasalin bago matulog o pagkagising. Hindi na ito mawawala sa ating mga Pilipino ang kulturang ito. Fixed Marriage, isa rin itong kultura na mga tribu lang ang nakakapanatili. Ang Kultura nating ito ay dapat nating panatilihin upang hindi matalo ng modernong napapanahon ngayon.

--

--

Angelieaytona
Angelieaytona

Responses (1)